Saturday, July 17, 2010

Metro Manila Damay sa Hagupit ni Bagyong Basyang

Bagyong Basyang: Isang kuha mula sa satellite ng PAGASA


Inaasahan ng karamihan na tatapat ang Bagyong Basyang sa Hilaga at Gitnang Luzon ngunit, maraming nabigla nang bumulusok ito sa Metro Manila at idineklarang Signal no.2

Kinagabihan ng Martes naranasan din ng buong Metro Manila ang lakas at bagsik nito dahil sa katakot takot na malakas na hangin ang pinaramdam sa lahat.

Madaming probinsya ang naapektuhan sanhi ng bagyo.madaming buhay ang nawala. Madaming biyahe din ang naantala. Madaming mga poste ng kuryente ang nasira dulot ng bagyo nung gabi ng Martes at dahil doon ay nagkaroon ng malawakang brown out kabilang na ang Metro Manila.

Dahil nga sa pagtama din ng bagyo sa Pilipinas, partikular sa isla ng Luzon, inaasahan na ng iba na madadagan ang tubig sa mga ilog at dam. Isa na dito ang Angat Dam kung saan kumukuha ng suplay ng tubig ang mga tao sa Metro Manila.

Ngunit sabi ng PAGASA na kung may nadagdag man daw na tubig sa mga dam at ilog, ito ay konti lamang dahil malalakas na hangin lamang at konting tubig ulan lamang ang dala ni Bagyong Basyang.

Correspondent: Princess Rio Canlas

No comments:

Post a Comment