Dinagsa ng maraming magulang noong nakaraang Hulyo 15, 2010 ang unang araw ng pagbubukas ng tanggapan ni Valenzuela 2nd District Congressman Atty. Magtanggol "Magi" Guinigundo. Nais ng mga magulang na mapabilang ang kanilang mga anak sa mga magiging iskolar ng kongresista.
Dala-dala nila ang mga kinakailangang dokumento upang maging kuwalipikado ang kanilang mga anak sa nasasabing iskolarship. Ang mga kinakailangang dokumento ay ang mga sumusunod: Voter's I.D. ng mga magulang -- bilang katunayan na sila ay mga mamamayan ng lungsod, birth certificate ng bata at sertipikasyon na may lagda ng guro at punongguro ng paaralan -- bilang patunay na doon nag-aaral ang bata.
Ang nasasabing iskolarship ay magkakaloob sa mga mapipiling mag-aaral ng P 500.00 kada buwan bilang kanilang allowance. Kaya naman noong nakaraang Hulyo 19, 2010 ay nagkaroon ng maikiling programa sa mababang paaralan ng Marulas para sa pagkakaloob nito ng allowance ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, 105 ang mga mag-aaral na nabigyan ng tig P 500.00.
Mababa ito kung ang pagbabatayan ay ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan na hindi bababa sa 2,000. Kaya naman magkakaroon pang muli ng pangalawang beses na pagbibigay ng iskolarship sang-ayon narin sa kahilingan ng mga magulang na hindi pinalad na mabalitaan kung kailan ang araw ng pagsumite ng mga kinakailangang dokumento at kung anu-ano ang mga kinakailangang dokumento na dapat i-sumite para mapabilang ang kanilang mga anak sa iskolarhip.
Isa sa laman ng plataporma ni Gunigundo ay ang edukasyon. Kaya naman, bilang pagtupad sa kanyang mga ipinangako sa taong-bayan, kanyang ipinagpatuloy ang kanyang proyekto noong kanyang nakaraang termino.
Correspondent: Queenzel Fajardo
No comments:
Post a Comment