Monday, August 23, 2010

Confessions of a Mass Communication Student

Bilang isang Mass Communication student malaki ang expectations ng mga professors sa amin. Isa na rito ang pagsasalita ng diretsong English at pagpaplano ng maayos na seminar o presentation sa loob ng aming eskwelahan. Hindi maiiwasang makumpara ang aming kurso sa iba.

Masaya at mahirap maging isang AB student. Nariyan ang mga samu’t saring scriptwriting, radio drama, TV production, layout designing, filmmaking, theatre at mga pananalistik tungkol sa mga Theories of Communication.

Minsan nga nasasabi naming ramdam ko na AB ako dahil sa isang professor sa aming departamento. Marami siyang ipinapagawa. Bawat araw na magkikita kami ay kinakabahan ako. Sabi nga niya “You hate me now, but you’ll thank me after your graduation.”

Tumatak talaga sa akin ang mga sinabi niya. Biruin mo, tuwing klase niya mag-expect ka ng quiz at recitation kaya dapat nag-aral ka in advance kun’di lagot ka sa recitation. Sabi nga niya, “I’m normal pag may quiz, at abnormal pag wala.” Ang tawag ng marami sa amin ay “gigisahin” ka kapag hindi ka nag-aral. Dapat nakapag-pa Xerox ka na ng notes nang maaga para hindi ka magisa.

May isang insidente nga na sinabihan niya kami na huwag masyadong mataas ang heels next week dahil tatakbo raw kami. Naisip ko may physical activity kaya kami next week? Sa week na iyon, pinatakbo nga kami para sa mabilisang edit ng mga news reports tungkol sa SONA ni PGMA. Lagi niyang sinasabi na “we need to beat the deadline.” Kahit na anong mangyari, dapat naming ilagay sa isip naming yan.

Nakakatawang isipin na na may kinatatakutan pa rin ang batch naming kahit na alam naming na matigas ang aming mga ulo. Malaki ang pasasalamat ko sa professor na ito kahit malakas ang kaba ko tuwing nakikita ko siya pero ramdam ko naman na isang AB student ako. Fourth year na ako at nagtuturo pa din siya as her last year sa batch namin. Masasabi kong masaya at mahirap talaga ang kurso namin. Makakakilala ka ng mga sikat na reporters, government officers at mga simpleng tao na magtuturo sayo ng mga experiences sa field mo. Kung tutuusin, walang madaling kurso kaya dapat hindi natin maliitin ang mga pinag-aaralan ng isang college student.

Ikaw? Ano bang meron ang kurso mo?

-Michelle Patingo

Sunday, August 8, 2010

Highlights: P-NOY's Inauguration

These are unpublished photos during P-NOY's Inauguration last June 30, 2010

A P-NOY supporter stood up among the crowd.



Police Officers standing by for unnecessary situations.

P-NOY Supporters


An old woman knitting while waiting for P-NOY's arrival

V-NAY's supporters

Photos by: Joanna Marie Luna and Camille Nuñez